Lunes, Disyembre 22, 2014

PUBLIC AUCTION SA PARANAQUE, TAGUMPAY!

Determinado si Treasurer Anton Pulmano na ipatupad ang batas ukol sa amelyar! 


    Lingid sa ating kaalaman ay isang dekada na palang hindi nagsasagawa ng disiplina sa pagbabayad ng buwis sa lupa o amelyar ang Lungsod ng Paranaque kung kaya't kabi-kabilang audit findings ang inilalabas ng Commission on Audit na isa ang Parañaque na hindi sumusunod sa batas hinggil sa public auction.  At base na rin sa pag aaral ng Department of Finance mababa ang amelyar o taxpayers compliance ng mga siyudad na hindi nagsasagawa ng public auction ng mga delikwenteng buwis sa amelyar. Ayaw man nilang gawin ito, nais lamang nilang sundin ang batas, sapagkat kapag may kakulangan sa pagpapatupad ng batas maaring ang mga tauhan ng pamahalaang lungsod lalo na ang treasurer naman ang kasuhan ng pamahalaang nasyunal ng COA at DOF.
     Sa pagnanais ni Paranaque City Treasurer Anthony L. Pulmano na ipatupad ang inatang sa kanya ni Mayor Olivarez na "effective collection and prudent spending" at para na rin pataasin ang koleksyon ng nasabing Lungsod.
   Isinagawa ni Treas. Pulmano ang naturang AUCTION SALE noong Disyembre 10, 2014 sa pangalawang palapag ng Legislative Building, kung saan ito'y dinaluhan ng mga bidders at mga opisyales ng Lungsod ng Paranaque na kinabibilangan nina City Legal Officer Atty. Frias, City Treasurer Pulmano, RPT Head Arnold De Castro, License Chief Noel Sandil, Treasurer's Office Legal Officer Atty. Phillip Yam na nagsilbing Auctioneer.
     Nabanggit din ni Treas. Pulmano na kailangan ang POLITICAL WILL upang maipatupad ng maayos ang nararapat at naangkop na solusyon sa usapin ng pananalapi ng lungsod. Kailangan ng siyudad ng INCOME o REVENUES upang hindi maantala ang mga proyekto at serbisyo publiko ng pamahalaang lungsod. Sa kasalukuyan ay medyo hirap ang kaban ng Lungsod sanhi ng mga kakulangan sa pagresolba sa mga problemang pinansyal ng mga nakaraang administrasyon na sa kasalukuyan ay maayos nang nailatag ang magandang estado ng pananalapi ng Lungsod ng Paranaque.
     Napag-alaman din mula sa pagsisiyasat at pananaliksik ni Treas. Pulmano na kapag walang AUCTION SALE na isinasagawa ang lungsod ay dumadami ang mga Delinquent Taxpayers. At upang ipaalam sa madla na ang hindi pagbabayad ng buwis ay paglabag sa batas na may kaukulang parusa.
     Matatandaan na bago pa man isinagawa ang PUBLIC AUCTION, nauna ng ipinatupad noong nakaraang taon ang REAL PROPERTY TAX AMNESTY na ipinasa ng konseho at ni Mayor Edwin Olivarez upang tulungan ang mga may delinkwenteng buwis sa amelyar.  Ang Tax Amnesty na ito ay kumita ng humigit kumulang na P600-Milyon. Samanatala, ang  isinagawang Public Auction ay idinaan sa tamang proseso, alinsunod sa probisyon ng Local Government Code of 1991.
Kung sakali man na maghabol ang may ari sa kanyang ari-arian na na-AUCTION, sila ay binibigyan ng palugit na isang taon para ito'y kanilang tubusin, ngunit kailangan ng may-ari na bayaran ang kaukulang bid price plus 2% penalty.
      Panawagan ng Lungsod sa mga real property taxpayers na magbayad sa tamang oras at huwag maging delingkwente para maiwasan ang karagdagang bayarin at upang huwag nang maisali sa AUCTION ang inyong ari-arian.
      Ang pamahalaan ay nagpapatupad lamang ng BATAS at tungkulin ng mamamayan lalong lalo na ang mga  may-ari ng mga bahay at lupa na magbayad sa pamahalaan at TANGKILIKIN ang batas para na rin sa ikagaganda ng pamumuhay ng bawat isa sa lungsod ng Paranaque. 
(Teddy Lechadores & Bernie Anabo)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento