Huwebes, Disyembre 4, 2014

PARANAQUE CITY

Save the Parañaque River: 

Pinangunahan ni  Mayor Edwin L. Olivarez ang pag-turnover ng tseke para sa Save the Parañaque River Foundation sa pamumuno ni Chairwoman Corazon Alma De Leon. Sumaksi sa nasabing turnover ay sina City Health Officer Dr. Olga Virtusio, CENRO Head Bernie Amurao, ex-Coun. Daddy Jun Benzon, ilang opisyal, staff at mga panauhin. Ayon kay Mayor Olivarez, isa ito sa mga prayoridad na proyekto ng kanyang pamahalaan kaya’t marapat na ang mga ilog sa lungsod ay mapangalagaan at mamintina sa tamang paraan upang hindi na muli pang bumalik sa lungsod ang iwinaksi nilang pagbabaha. Nang maupo bilang meyor si Kuya Edwin ay kasabay nitong ginawaran ng solusyon ang matagal ng problema ng mamamayan sa baha . Dagdag pa ng butihing meyor na malaki ang ginampanan ng proyekto niyang ilog sa pagkawala ng baha sa Paranaque City. (Bernie Anabo/TDL)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento