Miyerkules, Disyembre 3, 2014

BUREAU OF CUSTOMS


Bureau of Customs, anyare sa port congestion?

Commissioner Sevilla, inutil sa pagresolba sa problema ng BOC

     Bakit dumadami pa ang container alerts sa inyong hurisdiksyon kung hindi nyo rin naman ito mapo-proseso, sing bilis din sana ito kung paano nyo ito inalerto?Ang siste kaya padami ng padami ang bilang ng mga containers na dumadagdag pa sa problema ng Port Congestion dyan sa pantalan ay dahil sing kupad ng pagong ang proseso ng mga naalertong mga lata. Bakit ba nagkakaroon ng port congestion? May nakita ako'ng formula na kanilang ginagawa: ALERTS + NO PROCESSING OF ALERTS + ARRASTRE PRIORITIES + CORRUPTION = PORT CONGESTION.
     Batid nating lahat na papalapit na ang pasko kung saan at kailan dumadami ang mga barkong dumadating na may dalang mga kargamento. Ang prayoridad ngayon ng arrastre ay yaong mga bagong kargamento na kanilang pagkakakitaan, hindi po ba? Para may pamasko sila sa kani-kanilang pamilya.
     Kaya't ang nangyayari ngayon sa libo-libong mga naalertong mga kargamento ay akabinbin lamang sa isang sulok at nadadagdagan pa kapag meron muling alertong mangyayari sa kasalukuyan. Ang ganitong patakaran ay nagiging mitsa ng korupsyon sa loob ng BOC dahil kung gusto mong makuha ang iyong kargamento ay mapipilitan kang maglagay. Ang suma tutal ay laganap na korupsyon. Gaano katotoo ito? Yan dapat ay sagutin ni Comm. Sevilla.
      Alam nyo ba mga kababayan kung ilang araw ang average processing days na ginugugol sa pag-proseso ng mga papeles para ito maaprubahan at tuluyan nang pahintulutang maalis sa pantalan? sampung araw na tumataginting.   angan ang susunod na kabanata)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento